|
MGA ALITUNTUNIN NG LAKAS NG INANG MANILENYO
- Mahigpit na ipinagbabawal ang Solicitacion Letter sa mga publiko, establisimento at anumang sector kung pera ang usapan. Maaring humingi ng tulong personal man o verbal ngunit ito ay hindi gagamitan ng letter head ng Lakas ng Inang Manilenyo. Para magamit ang letter head kailangan may nkahaing guidelines at proposal.
- Walang sasama sa mga rally, demonstrasyon o pagaalsa sa suot ang unipormeng Lakas ng Inang Manilenyo. Maging banner na magpapakilala ng samahan kung ito’y hindi derektiba ng samahan.
- Walang pagpupulong kung walang abiso at agenda na inihanda. Kailangan may nakahain na tatalakayin at aprubado ng pamunuan ng distrito.
- Walang proyekto na isasagawa kung walang “Project Proposal” 10 araw bago ang pagpaplano sa mga aktibidad upang maiayos, ayon sa pangangailangan.
- Anumang usapin o desisyon na nakatayaang buong Lakas ng Inang Manilenyo ay kailangan ng biglaang pulong upang malinawan ang usaping ito na may abiso o pagsasaalang-alang ng pamunuan ng Execom, ayon sa mga taong sangkot at kasali sa talakayan at usapin.
- Ang sinumang nagrereklamo at nirereklamo ng miyembro o opisyales ay pinapayuhan na gumawa ng sulat na “Complaint Letter” o “Appeal Letter” upang mapatawag ang mga nasasangkot sa usapin at madaan sa Exec. Comm. At Fact Finding Committee.
- Kung napatunayan na ang nirereklamo ay lumabag sa anumang batas ng Lakas ng Inang Manilenyo, ang Exec. Comm. Ay magpapatawag ng pulong upang hingin ang isang resolusyon ng samahan at dito ibababa ang direktiba ng samahan.
- Sa may katungkulan pinapayuhan na gumawa ng sulat kung hindi na interesado sa samahan. Personal Letter na pagalis o pag-ayaw bilang boluntaryo na pamamaraan kasama ang fact finding Comm.
- Ang miyembro na napatunayang kasali sa iba pang asosasyon o samahan na makaapekto sa Lakas ng Inang Manilenyo ay pinapayuhang mamili sa isa upang mas higit na magampanan ang bawat t7ungkulin na iniatang
- Ayon sa bigat ng kasalanan o nagawang gulo o pagkakamali sa samahan dito pinapataw ang 3 kategoryang parusa:
- Warning
- Suspension
- Termination
- Ayon sa kagustuhan ng pagboto.
- Yes - No - Abstain
- 1st Offense – Warning – isang beses lamang ipapataw sa miyembro o leader bilang pang-unawa at konsuelo.
- 2nd Offense – Suspension – pinakamatagal na ang 3 buwan na ipapataw, pirmado ang taong nasasangkot, fact-finding-committee at Exec. Comm. Kasama sa salaysay ang biagt o dahilan ng kanyang parusa. Nakasaad ang simula at hangganan ng suspension.
- 3rd Offense – Termination – ang pagtanggal sa miyembro o opisyales ay gagawin sa pamamagitan ng Letter of Termination. Nakasaad ditto ang dahilan at bigat ng kanyang pagkakasala, pirmado ng fack-finding-committee at Exec. Comm. At saksi. Isusurender ang kanyang I.D. , kung opisyales naman lahat ng mga records at masterlist, awtomatikong wala ng kaugnayan sa samahan. |
|